AKLAN STATE UNIVERSITY
Teacher Education Center
Calangcang,Makato,Aklan

Where Breeds of Future Quality Teachers Are
Main Registration Login
For inquiries, pls. call: (036)276-63-04    Welcome, Guest · RSS
Click items here:
Login form
Online Users

Total online: 4
Guests: 4
Users: 0
 
Main » 2010 » December » 9 » Talumpati
4:09 AM
Talumpati

House Bill 5043, isang hakbang tungo sa Family Planning

            Kapanalig, mga ginoo at mga binibini, kayo ay malugod kong inaanyayahang pakinggan ang aking pananaw sa napipintong batas na tinatawag na RH Bill o House Bill 5043.

            Kung kayo ang tatanungin, ano sa palagay ninyo ang inyong pasya? Kayo ba ay sumasang ayon, o kayo ba’y tutol dito?

            Nababalita at naeere live sa TV ang hearing ng Kongreso patungkol sa bill na ito, may mga lider ng grupong naiimbetahan upang ipahayag ang kanilang saloobin tungkol dito. Samu’t saring palagay ang mababatid. May tumututol, may sumasang ayon.

            Sabi ng isa sa mga naging representasyon ng Santo Papa, alinsunod sa kautusan ng simbahang Katoliko mariing tinututulan ng simbahan ang pagpapatupad ng batas RH Bill 5043. Subalit nakasaad sa kanyang sulat, "ang condom ay hindi lamang isang solusyon sa pagkontrol sa pagbubuntis o pagkakaroon ng anak” na naging ugat ng isang diskusyon na ang simbahan ay kumakatig sa ideya ng batas sa paggamit nito.

            Ang siyang kumakatawan sa lakas ng kababaihan ay nagpahayag, sa kabilang dako, na ang panukalang batas ay sadyang nararapat na maipatupad sa lalong madaling panahon dahil sa pagyurak sa karapatan ng mga kababaihan sa ngayon. Ang pang aabuso at pagmamaltrato sa kanila, maging sa loob ng bahay o sa mga ospital ay sadyang mapapansin at kanilang nararanasan. Mungkahi nila na sa pamamagitan nito mapapangalagaan ang karapatan ng mga kababihan.

            Sa kabilang banda, nagsalita ang panig ng sa kumakatawan sa lakas ng kabataan na ang bill na ito ay kanilang tinututulan. Ang paraang ito sang ayon sa doktrina ng simbahan at paniniwala ng kabataan ay taliwas sa batas ng Diyos at batas ng tao na bigyan ang bawat nilalang sa mundo ng karapatang mabuhay at magkabuhay.

            Tinuligsa rin ng sa kumakatawan sa lakas ng mga negosyante ang panukalang ito. Sang ayon sa kanya, ang Diyos ay nag utos sa tao na humayo at magpakarami. Hindi humayo at manganak at magkontrol. Ang pagkondena ng mga negosyante sa pahayag na ito tungkol sa panukala ay sadyang madarama. Mailap ang pag sang ayong natatanggap ng Kongreso patungkol sa batas.

            May mga pahayag at komento ding nakakalap sa Internet na ang RH Bill ay walang mabubuting dulot sa tao. Sabi ng isa sa mga komento na ipapahayag ko sa English, "I am pro-life, I support the doctrines of my Church and I do not believe that over population is the cause of all our economic woes.” (October 10, 2008)

            May mga tumutuligsa, may mga sumasang ayon. Ngunit kung titingnan natin, ano ba ang ating kayang gawin upang maibsan ang kahirapan sa bansa, upang makontrol ang paglobo ng populasyon sa mundo.

            Sabi ni Bro. Ely Soriano, ang punong ministro ng Dating Daan ay nagpahayag na ang Family Planning ay nakasaad sa banal na Bibliya. Kanyang sinabi sa paraan ng pagtukoy sa sulat sa Bibliya na "bagaman kayo ay may mga asawa na, mamuhay kayo ng parang kayo’y mga walang asawa.

            Maaaring ang pahayag ng Diyos sa tao na humayo kayo’t magpakarami ay sadyang hindi na akma sa ngayon dulot ng mabilis na pagtaas ng bilang ng tao sa mundo.

            Ano pa ba ang ating magagawang iba kung hindi ang mag kontrol. Ang kontrol na ayon sa tamang proseso. Iyong hindi taliwas sa batas.

            Bakit may mercy killing? Bakit may abortion? Bakit may mga fetus na tinatapon sa basurahan? Ano ba ang mga ito? Ito ba’y sang ayon sa batas? Ito ba ay mabuti sa tao?

            Ang sagot ay isang malaking kapangahasan. Malaking kasalanan sa mata ng Lumikha. Malaking dagok sa buhay mo.

            Ang pagkitil ng buhay ay isang nakaririmarim na kasalanan. Ngunit ang pagkontrol nito ay maaring hindi isang kapintasan kundi isang hakbang sa maayos na pagpigil sa premarital pregnancy.

            Ang hindi wastong gulang na pagbubuntis at panganganak ay maraming may masamang dulot sa kababaihan, maging sa tahanan.

            Mga kaibigan kong babae at maging sa mga kamag anak kong babae, pakinggan ninyo itong mabuti.

            Sino ba sa inyo o sa mga kakilala ninyo ang nakaranas nang maging ina sa edad na labing anim pababa? Ano ba ang pakiramdam? Masarap ba? Malamang sa umpisa lamang subali’t sa kalauna’y dulot ay perwisyo at abala sa inyong buhay.

            Ang pagkakaroon ng pamilya ay pinaghahandaan. Ang pagtatalik ay hindi pinaglalaruan. Ito’y may kabanalan. Ang isang babae at lalaki bago maganyak na magtalik ay kinakailangang magpaalam at humingi ng basbas sa Diyos bago ito’y maisakatuparan.

            Ang lahat ay dapat gawin sa tamang panahon. Sa tamang edad at sa tamang kaisipan. Maraming naging buang sa hirap ng buhay.

            Sino ba’ng may gustong maghirap? Siyempre lahat gustong guminhawa sa buhay.

            Kaya’t ang panaka-nakang hindi pinag iisipang pasya ay nakasasama. Lahat ng gagawin pag isipan. Lahat ng kilos pagpasyahan at handang harapin ang buhay maging sa ginhawa at hikahos man. Kung sakali mang madapa sa kasalanan, walang sinuman ang dapat sisihin kundi ang inyong kapararaan at katangahan.

            Magpasya ayon sa dikta ng konsensya. Mag isip batay sa talino huwag sa bugso ng damdamin at tawag ng laman.

            Bagaman kung ito’y hindi maiiwasan, dapat tandaan, may sapat na paraan upang unwanted pregnancy ay maiiwasan. Magkontrol!

 

           

 

Views: 2236 | Added by: Jb | Rating: 0.0/0
Total comments: 0
Only registered users can add comments.
[ Registration | Login ]
ASU TEC © 2024
Search
Calendar
«  December 2010  »
SuMoTuWeThFrSa
   1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031
Entries archive
Site friends
  • Create a free website
  • Free website builderuCoz